Public school teachers, bibigyan ng DepEd ng tatlong buwang ‘internet load’

By Jan Escosio May 14, 2021 - 11:26 PM

DepEd Facebook photo

Mamamahagi ng tinatawag na ‘connectivity load’ ang Department of Education o DepEd sa kanilang mga guro para sa patuloy na pagkasa ng blended learning.

Ito ang inanunsiyo ni Sec. Leonor Briones sa pagsasabing; “With or without the pandemic, the Department has actively advocated for policies and programs that will further support our teachers. Through this connectivity allowance, we hope to continuously assist our teachers in their duties to deliver quality education to our learners amidst the situation.”

Ayon naman kay Education Usec. Alain del Pascua, sinimulan na ang pagbili ng connectivity load, na may alokasyon na 30 hanggang 35 data allocation kada buwan.

“We will begin to roll out siguro next month. We will be asking our teachers to register in DepEd Commons para mabigyan sila ng load sa kani-kanilang cellphone,” dagdag pa ni del Pascua.

Paliwanag ng opisyal, sapat na ang 35GB kada buwan para sa online teaching dahil 1GB lang kada araw ay sapat nasa walong oras na online webinars, downloading, video watching at iba pa.

Ang hindi naman magagamit na data allocation ay madadagdag sa mga susunod na buwan hanggang sa maubos ang 100GB.

“Ineexpect namin na napakarami ng magagawa mo sa bandwidth na ito, ine-expect namin na higit tatlong buwan hanggang anim na buwan magagamit ng teacher itong connectivity load,” dagdag pa niya.

TAGS: blended learning, connectivity load, deped, Inquirer News, Radyo Inquirer news, blended learning, connectivity load, deped, Inquirer News, Radyo Inquirer news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.