Ang heat index ang pagsukat ng alinsangan o nararamdaman init ng tao.
Inilabas ng ahensiya ang pinakamataas na heat index na naitala sa araw ng Biyernes:
– Dagupan City, Pangasinan (53°C, 2 p.m.)
– Sangley Point, Cavite (47°C, 2 p.m.)
– Laoag City, Ilocos Norte (44°C, 2 p.m.)
– San Jose, Occidental Mindoro (44°C, 2 p.m.)
– Ambulong, Batangas (43°C, 2 p.m.)
– Masbate City, Masbate (43°C, 1 p.m.)
– Clark Airport, Pampanga (42°C, 2 p.m.)
– Puerto Princesa City, Palawan (42°C, 2 p.m.)
– Tuguegarao City, Cagayan (42°C, 2 p.m.)
– Butuan City, Agusan del Norte (41°C, 2 p.m.)
– Casiguran, Aurora (41°C, 2 p.m.)
– NAIA, Pasay City (41°C, 2 p.m.)
– Roxas City, Capiz (41°C, 2 p.m.)
– Zamboanga City, Zamboanga del Sur (41°C, 11 a.m.)
Ayon sa PAGASA, ang heat index sa pagitan ng 41 degrees Celsius at 53 degrees Celsius ay maituturing na ‘danger level’ at maari magdulot ng heat cramps at heat exhaustion.
Samantala, inaasahang sa araw ng Sabado (May 15) hanggang sa araw ng Linggo (May 16), maalinsangan na panahon ang mamamayani sa Luzon at sa malaking bahagi ng Visayas dahil sa Easterlies.