Dagupan City, nag-init sa 53 degrees Celsius heat index – PAGASA

By Jan Escosio May 14, 2021 - 08:58 PM

Bandang 2:00, Biyernes ng hapon (May 14), nang maitala ng PAGASA ang pinakamainit na heat index – 53 degrees Celsius sa Dagupan City, Pangasinan, sa taong 2021.

Ang heat index ang pagsukat ng alinsangan o nararamdaman init ng tao.

Inilabas ng ahensiya ang pinakamataas na heat index na naitala sa araw ng Biyernes:
– Dagupan City, Pangasinan (53°C, 2 p.m.)
– Sangley Point, Cavite (47°C, 2 p.m.)
– Laoag City, Ilocos Norte (44°C, 2 p.m.)
– San Jose, Occidental Mindoro (44°C, 2 p.m.)
– Ambulong, Batangas (43°C, 2 p.m.)
– Masbate City, Masbate (43°C, 1 p.m.)
– Clark Airport, Pampanga (42°C, 2 p.m.)
– Puerto Princesa City, Palawan (42°C, 2 p.m.)
– Tuguegarao City, Cagayan (42°C, 2 p.m.)
– Butuan City, Agusan del Norte (41°C, 2 p.m.)
– Casiguran, Aurora (41°C, 2 p.m.)
– NAIA, Pasay City (41°C, 2 p.m.)
– Roxas City, Capiz (41°C, 2 p.m.)
– Zamboanga City, Zamboanga del Sur (41°C, 11 a.m.)

Ayon sa PAGASA, ang heat index sa pagitan ng 41 degrees Celsius at 53 degrees Celsius ay maituturing na ‘danger level’ at maari magdulot ng heat cramps at heat exhaustion.

Samantala, inaasahang sa araw ng Sabado (May 15) hanggang sa araw ng Linggo (May 16), maalinsangan na panahon ang mamamayani sa Luzon at sa malaking bahagi ng Visayas dahil sa Easterlies.

TAGS: easterlies, heat index, highest heat index, highest heat index in 2021, Inquirer News, Pagasa, Radyo Inquirer news, weather update May 14, easterlies, heat index, highest heat index, highest heat index in 2021, Inquirer News, Pagasa, Radyo Inquirer news, weather update May 14

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.