DSWD, siniguro na sapat ang pondong pantugon sa mga LGU na apektado ng tagtuyot
Tiniyak ng Department of Social Welfare and Development na sapat ang kanilang pondo na magbibigay ng ayuda sa mga local government unit o LGUs na apektado ng tagtuyot bunsod ng El Niño.
Ginawa ng ahensiya ang paniniguro matapos magbabala si Sen. Ralph Recto na posibleng magkaroon ng national crisis kung hindi ilalabas ang 3.9 billion pesos calamity fund at 6.7 billion pesos Quick Response Fund (QRF) na nakalaan para sa mga probinsyang apektado ng El Niño.
Ngunit nilinaw ni DSWD Sec. Dinky Soliman na ang 6.7 billion pesos na QRF na binanggit ni Recto ay ang pondong iminungkahi ng ahensiya para sa implementasyon ng Cash-for-Work at livelihood assistance para sa mga pamilyang apektado ng El Niño.
Dagdag ni Soliman, ang hawak nila na QRF ay para sa kasalukuyang taon na nagkakahalaga na 1.32 billion pesos.
Nagbigay aniya sa kanila ng pahintulot ang Department of Budget and Management (DBM) na gamitin ang naturang pondo bilang pantugon sa El Niño phenomenon.
Bukod dito, tumutulong din ang DSWD sa iba pang LGUs na apektado ng tagtuyot lalo na sa mga rehiyon na nagdeklara na ng state of calamity.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.