36,000 seniors sa Maynila, nabakunahan na kontra COVID-19
Mahigit 36,000 na senior citizens sa Maynila ang nabakunahan na kontra COVID-19.
Ayon kay Manila Mayor Isko Moreno, nangangahulugan ito ng 24.15 porsyento mula sa 150,000 senior citizens sa lungsod.
Base sa talaan ng Manila Health Department (MHD), 36,231 senior citizens ang nakatanggap na ng first dose habang 13,815 ang nakatanggap ng second dose.
Nasa A2 prority list ng pamahalaan ang mga senior citizen.
Hinimok ni Mayor Isko ang publiko na tulungan ang mga matatanda na magkaroon ng pre-registration sa pamamagitan ng www.manilacovid19vaccine.ph para sa schedule ng pagpapabakuna.
Aabot sa 151,659 vaccine doses ang natanggap ng Maynila.
Kabilang na ang AstraZeneca, Pfizer, Sinovac at Sputnik V.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.