P100,000 pabuya sa pumatay sa dalawang bata sa Bulacan, inilabas

By Erwin Aguilon May 14, 2021 - 04:23 PM

Naglabas na ng patong sa ulo si San Jose del Monte City, Bulacan Mayor Arthur Robes sa makapagtuturo sa responsable sa pagpatay sa dalawang bata sa nasabing lungsod.

Ayon kay Mayor Robes, P100,000 pabuya ang kanilang ibibigay upang maresolba ang krimen.

Bukod dito, sasagutin din ng lokal na pamahalaan ang gastusin sa burol at libing nga isang walong taong gulang na lalaki at 11-anyos na babae na natagpuang duguan at wala ng buhay sa masukal na bahagi ng Barangay Graceville ng nabanggit na lungsod.

Kapwa may sugat sa mukha at ibang parte ng katawan ang mga biktima.

Hinala naman ng pulisya, ginasaha muna ang babae dahil ayon kay Police Major Julius Alvaro, hepe ng San Jose del Monte City PNP walang suot na pang ibaba ang biktima nang matagpuan.

May lead na rin aniya sila sa kung sino ang suspek sa krimen.

Nawala ang dalawa noong hapon ng May 11 at natagpuang wala ng buhay bago magtanghali kinabukasan.

Sinabi naman ni San Jose del Monte City Rep. Rida Robes na bagama’t nagpaabot na ng tulong ang kanyang mister na alkalde sa pamilya ng mga bata ay magbibigay pa rin ang kanyang tanggapan sa mga ito.

TAGS: Inquirer News, Mayor Arthur Robes, Radyo Inquirer news, Inquirer News, Mayor Arthur Robes, Radyo Inquirer news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.