Lima katao, patay sa kasagsagan ng pagdiriwang ng isang music festival sa Argentina
Patay ang lima katao matapos makaranas umano ng drug overdose habang ipinagdiriwang ang ikalawang gabi ng electronic music festival sa Argentina.
Nabatid na bukod sa limang nasawi, lima naman ang nasa kritikal na kondisyon.
Ayon sa mga health official ng Buenos Aires, namatay ang dalawa katao na nasa 20 taon gulang pataas habang ipinagdiriwang ang Time Warp festival noong Biyernes.
Tatlo naman aniya sa limang napaulat na namatay ay binawian na din ng buhay habang isinusugod sa ospital.
Pahayag ni Dr. Alberto Crescenti, ang director ng Emergency Medical Attention System sa Buenos Aires, ang lima katao na nasa kritikal na kondisyon ay nakakahinga na lamang dahil sa ikinabit na respirator.
Dagdag ni Crescenti, hinihintay na lamang nila ang resulta ng otopsiya ng limang namatay upang malaman kung anong ilegal na gamot ang ininom ng mga ito dahilan para bawian sila ng buhay.
Dahil sa pangyayari, nagpaabot na ng pakikiramay ang organizer ng music festival sa naiwanang pamilya at kaibigan ng mg nasawi.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.