Inalis na ng Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (Pagasa) ang Tropical Cyclone Wind Signals dahil naging low pressure area na lamang ngayon ang Bagyong Crising.
Ayon sa Pagasa, namataan ang LPA sa Piagapo, Lanao del Sur.
Kumikilos ang LPA sa westward o west-northwestward direction.
Inaasahang nasa Sulu Sea ang LPA sa susunod na 6 hanggang 12 oras.
Patuloy namang makararanas ng malakas na pag-ulan ang Zamboanga Peninsula, Davao Oriental, Davao de Oro, Davao del Norte, Davao City, Davao del Sur, Cotabato, Maguindanao, Bukidnon, Lanao del Norte, Lanao del Sur, at Misamis Occidental ngayong araw.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.