Sen. Win Gatchalian sinabing hindi pangangampaniya ang social media ads

By Jan Escosio May 14, 2021 - 12:16 PM

Nilinaw ni Senator Sherwin “Win” Gatchalian na walang kinalaman sa eleksyon at hindi maituturing na pangangampaniya ang kanyang social media advertisements.

Kaugnay ito sa ulat na ang ang senador ang may pinakamalaking nagagasta sa Facebook advertisements na umaabot sa P4.5 million.

Diin ni Gatchalian, 2016 pa ay sinimulan na niya ang pagbabahagi ng kanyang mga adbokasiya sa social media.

Aniya pagtitiyak lang ito na naipaparating nila sa mas maraming mamamayan ang mga isyu na natatalakay sa pinamumunuan niyang Committee on Basic Education at Committee on Energy sa Senado.

Diin ni Gatchalian ang mga impormasyon na kanyang ibinabahagi sa social media ay hindi pangangampaniya kundi pagtugon sa karapatan ng mamamayan na malaman ang katotohanan sa mga isyu.

“May eleksyon man o wala, ako ay magpapatuloy pa rin sa pagbibigay ng impormasyon sa publiko dahil karapatan itong malaman ng bawat Pilipino,” dagdag linaw pa ni Gatchalian.

TAGS: facebook, Sherwin Gatchalian, Social media ads, facebook, Sherwin Gatchalian, Social media ads

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.