National vaccination rollout pinabibilisan na n Sen. Bong Go

By Jan Escosio May 14, 2021 - 09:56 AM

Ngayon patuloy ang pagdating ng mga biniling bakuna laban sa COVID-19, pinamamadali na ni Senator Christopher  Lawrence “Bong” Go sa gobyerno ang paglalatag ng National Vaccination Program.

Diin ng senador napakahalaga na mabakunahan na ang marami sa mga priority groups dahil kailangan nang paghandaan ang pagpapabakuna sa mas nakakaraming Filipino.

“Nananawagan ako sa national government natin, bilisan ninyo ang pagbabakuna dahil nandiyan naman na ang stock, para hindi ma-expire at marami sa mga kapatid natin ang mabakunahan na. Maraming mga Pilipino na ang na-encourage kaya dapat makapagbakuna na sila,” sabi ni Go.

Giit niya sa pagpapabakuna, hindi lang ang nabakunahan ang may dagdag proteksyon kundi nababawasan din ang pagkalat ng COVID-19.

Kailangan lang, ayon pa kay Go, na istriktong masunod ang vaccination priority list para hindi madiskaril ang programa.

TAGS: bakuna, bong go, COVID-19, National Vaccination Program, bakuna, bong go, COVID-19, National Vaccination Program

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.