Pagbabalik ng halos 300 Chinese vessels sa West Philippine Sea, wake up call sa Pilipinas – Sen. Panfilo Lacson

By Jan Escosio May 14, 2021 - 09:54 AM

Napapanahon na para sa sambayanang Filipino na magkaisa at magkaroon ng iisang paninindigan sa isyu sa West Philippine Sea, ayon kay Senator Panfilo Lacson.

Kasunod ito ng ulat ng National Task Force for West Philippine Sea na may 287 Chinese vessels ang namataan na nagkalat sa paligid ng Kalayaan Islands na sakop ng Palawan.

Sa palagay ng senador  kinakailangan na ang parliamentary-to-parliamentary channels para magkaroon ng ‘balance of power’ sa rehiyon.

“We are not really surprised. In a way, we even anticipated the return of the Chinese vessels because the vessels that were in the area earlier were most likely just surveying. Their job was to scout the land and not yet occupy. Ngayon nagbalikan na,” sabi ng senador sa isang panayam.

Binanggit pa nito ang ulat na noong nakaraang Disyembre, pinalapag na ng China ang kanilang pinakamalaking warplane.

Babala ni Lacson kapag nagpatuloy ang debate ng mga matataas na opisyal ng bansa sa isyu ay maaring isang araw ay nakapagpatayo na ng garrison ang China sa Sabina Shoal.

Aniya ang magkakaibang posisyon ng mga opisyal ng bansa sa isyu ng pakikipag-agawan ng teritoryo ng Pilipinas, China ang lubos na nakikinabang.

Muli niyang ipinagdiinan na may mga kaalyadong malalakas na bansa ang Pilipinas na handang tumulong sa atin.

TAGS: China, parliamentary-to-parliamentary channels, West Philippine Sea, China, parliamentary-to-parliamentary channels, West Philippine Sea

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.