Inilunsad ng DepED ang isang kampaniya ukol sa pagpapabakuna para sa kanilang mga kawani, kasama na ang mga guro.
Layon ng Vacc2School: Ligtas na Bakuna, Para sa Balik-Eskuwela na mabigyan ng sapat at tamang impormasyon ang kanilang mga kawani kaugnay sa ikinakasang national vaccination rollout.
Hinikayat ni Sec. Leonor Briones ang mga kawani ng kagawaran lalo na ang mga guro na makibahagi sa kampaniya.
Nais din niya magpabakuna ang mga guro bilang bahagi ng paghahanda sa pagbabalik sa mga paaralan.
“We would like to encourage our teachers to vaccinate themselves because it is not only a matter of protecting your personal rights, it is also a matter of protecting the lives and health of children which is also entrusted to our care,” sabi ng kalihim.
Kamakailan, inaprubahan ni Pangulong Duterte at Inter-Agency Task Force ang hiling ni briones na maisama sa Priority Group A4 ng mga babakunahan ang kanilang frontline personnel, partikular na ang mga guro.