Rekomendasyon na quarantine status ng Metro Manila simula Mayo 1 hawak na ng IATF

By Jan Escosio May 13, 2021 - 04:26 PM

Ipinasa na ng Metro Manila Council (MMC) sa Inter-Agency Task Force (IATF) ang kanilang rekomendasyon para sa quarantine status sa Kalakhang Maynila simula sa araw ng Sabado, Mayo 15.

Sa inilabaas na pahayag ng MMDA, nagpulong kagabi ang mga alkalde ng Metro Manila  kasama ang mga kinatawan ng Department of Health at National Economic and Development Authority (NEDA).

Kasama sa natalakay sa pulong  at naikunsidera sa rekomendasyon ng konseho ang kapasidad ng mga ospital, pagdating ng mga bakuna, ang pagbaba ng mga bagong kaso ng COVID 19 at ang kondisyon pang-ekonomiya.

Napagkasunduan din ng MMC na hindi na isapubliko ang kanilang rekomendasyon, na ipaparating naman kay Pangulong Duterte, na inaasahan iaanunsiyo bukas ang maging quarantine status ng Kalakhang Maynila.

Tiniyak din ng MMDA na ang naging desisyon at rekomendasyon ng Metro Manila mayors ay para sa kapakanan at ikakabuti ng mga residente ng punong rehiyon ng bansa.

Pagtitiyak din ng ahensiya na binalanse ang kalusugan at kaligtasan ng mamamayan at ng ekonomiya.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.