6,835 bagong kaso ng COVID 19 naitala ng DOH; 55,260 ang aktibong kaso

By Jan Escosio May 13, 2021 - 04:20 PM

Iniulat ng Department of Health (DOH) ang naitalang karagdagang 6,385 bagong COVID 19 cases sa bansa ngayon araw.

Bunga nito, lumubo pa sa 1,124,724 COVID 19 cases ang naitala na sa Pilipinas at 55,260 ang nanatiling aktibong kaso o 4.9 porsiyento.

May 4,289 naman ang naidagdag sa bilang ng mga gumaling para umabot na sa 1,050,643 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober sa nakakamatay na sakit.

Samantala, may 107 na nadagdag sa mga namatay para sa kabuuang bilang na 18,821 o 1.67 porsiyento.

Ang inilabas na mga bagong datos ay base sa mga isinumite sa COVID 19 Document Repository System ng lahat ng accredited laboratories sa bansa.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.