Malacañang “no comment” sa panibagong kaso ng pagdukot sa Tawi-Tawi

By Den Macaranas April 16, 2016 - 07:40 PM

malacanang-fb-0723
Inquirer file photo

Tumangging magbigay ng pahayag ang Malacañang kaugnay sa isa na namang kaso ng pagdukot sa apat na dayuhan sa karagatang sakop ng Tawi-Tawi.

Imbes na magbigay ng anumang reaksyon, sinabi ni Communications Usec. Manolo Quezon III na naghihintay pa sila ng opisyal na reports na magmumula sa Department of National Defense at Foreign Affairs Department.

Nauna nang kinumpirma kanina ni Maj. Filemon Tan, spokesman ng Western Mindanao Command (Westmincom) na apat na Malaysians ang dinukot ng armadong mga kalalakihan sa Tawi-Tawi pero ngayong hapon ay binago nila ang ulat at sinabing mga Indonesians ang mga biktima.

Sinabi ni Quezon na malinaw naman ang naging instruction ng Pangulo sa AFP at PNP na magtulong sa pagdurog sa bandidong grupo.

Ang mga biktima na pawang mga crew ng isang tugboat ay tinangay ng mga armadong suspects na pinaniniwalaang miyembro ng Abu Sayyaf.

TAGS: Abu Sayyaf, Malacañang, tawi-tawi, Abu Sayyaf, Malacañang, tawi-tawi

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.