15,000 pang doses ng Sputnik V vaccines mula Russia, dumating na sa bansa
By Angellic Jordan May 12, 2021 - 10:45 PM
Dumating na sa Pilipinas ang 15,000 pang doses ng Sputnik COVID-19 vaccine, Miyerkules ng gabi.
Dumating ang bakuna sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 pasado 9:00 ng gabi.
Ang naturang bakuna ay gawa ng Gamaleya Research Institute mula sa Russia.
Ito na ang ikalawang batch ng Sputnik V na dumating sa Pilipinas.
Matatandaang dumating ang unang 15,000 doses nito noong May 1.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.