(UPDATED) Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang Department of Transportation (DOTr) sa insidente ng vandalism sa isa sa mga tren ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3).
Ibinahagi sa Facebook ni DOTr Assistant Secretary Goddes Hope Libiran ang larawan.
Makikita sa larawan na sinulatan ng salitang “cranks” ang isang bahagi ng tren.
“Mga kababayan, may mga tao talagang hindi masaya sa pagbabago. Gagawa at gagawa talaga ng paraan para manggulo. 🤦🏻♀️😫,” saad sa post ni Libiran.
Aniya, nire-review na ang lahat ng CCTV camera upang malaman kung sino ang responsable sa naturang insidente.
Sasailalim din aniya ang tren sa cleaning at repainting.
“Initial investigation reveals that culprits may have entered Taft Ave. Station via a recently-discovered damaged perimeter fence infront of a gasoline station,” ayon naman sa pamunuan ng MRT-3.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.