Dagupan, nakapagtala ng 52 degrees Celsius na heat index

By Angellic Jordan May 12, 2021 - 08:38 PM

Inquirer file photo

Nakapagtala ng mataas na heat index ang ilang lugar sa bansa sa araw ng Miyerkules, May 12.

Sa datos ng PAGASA, nakapagtala ang Dagupan City sa Pangasinan ng pinakamataas na heat index na umabot sa 52 degrees Celsius bandang 2:00 ng hapon.

Sa ngayon, ito ang pinakamataas na naitalang heat index sa taong 2021.

Naitala naman ng 46 degrees Celsius na heat index sa Sangley Point, Cavite habang 44 degrees Celsius sa Cotabato City, Maguindanao bandang 2:00 ng hapon.

Nasa 43 degrees Celsius naman ang heat index sa mga sumusunod na lugar:
– Tuguegarao City, Cagayan (2:00 ng hapon)
– San Jose, Occidental Mindoro (2:00 ng hapon)
– NAIA Pasay City, Metro Manila (2:00 ng hapon)
– Laoag City, Ilocos Norte (11:00 ng umaga)

Samantala, naitala naman ang 42 degrees Celsius na heat index sa sumusunod na lugar at oras:
– Dipolog, Zamboanga del Norte (11:00 ng umaga)
– Ambulong, Batangas (2:00 ng hapon)
– Casiguran, Aurora (2:00 ng hapon)

41 degrees Celsius naman ang naitala sa mga sumusunod:
– Iba, Zambales (11:00 ng umaga)
– Clark Airport (DMIA), Pampanga (2:00 ng hapon)
– Roxas City, Capiz (2:00 ng hapon)
– Science Garden Quezon City, Metro Manila (2:00 ng hapon)

Ayon sa weather bureau, mapanganib ang dulot kapag umabot sa 41 hanggang 54 degrees Celsius ang heat index dahil sa sobrang init, maaari itong magdulot ng heat cramps at heat exhaustion na posibleng mauwi sa heat stroke.

Paalala ng PAGASA sa publiko na dalasan ang pag-inom ng tubig at iwasan na muna ang anumang physical activities tuwing tanghali at hapon.

TAGS: Dagupan heat index, heat index, Inquirer News, Pagasa, Radyo Inquirer news, Dagupan heat index, heat index, Inquirer News, Pagasa, Radyo Inquirer news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.