Pilipinas ikinabahala ang karahasan sa Jerusalem, Gaza Strip
Nagparating ng matinding pagkabahala ang Pilipinas sa tumitinding karahasan sa Jerusalem sa Israel at Gaza Strip nitong mga nakaraang araw.
Ilang residente na ang nasawi at nasugatan dahil sa karahasan.
Nagkaroon ng Israeli airstrikes habang nagpaputok ang Palestinian militant groups ng rocket malapit sa Jerusalem.
Kasunod nito, hinikayat ng Pilipinas ang lahat ng sangkot na magkaroon ng dayalogo upang mapababa ang tensyon.
“The Philippines urges all parties to exercise restraint and seek dialogue to de-escalate tensions and avoid further actions that could affect future Israeli-Palestinian peace negotiations,” saad ng Department of Foreign Affairs (DFA).
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.