Red tide sa ilang baybaying dagat, ibinabala ng BFAR

By Chona Yu May 12, 2021 - 04:29 PM

Pinag-iingat ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang publiko sa pagkain ng lamang dagat na nakukuha sa ilang baybaying dagat.

Ayon sa BFAR, ito ay dahil sa red tide.

Apektado ng red tide ang mga baybaying dagat ng Puerto Princesa Bay, Puerto Princesa City sa Palawan; Dauis at Tagbilaran City sa Bohol; Tambobo Bay, Siaton sa Negros Oriental; cDaram Island, at Zumarraga, Cambatutay at Villareal Bays sa Western Samar; Calubian, at Leyte, Carigara at Ormoc Bays, at Cancabato Bay, Tacloban City sa Leyte; Biliran Islands; Balite Bay, Mati City sa Davao Oriental; Murcielagos Bay sa Zamboanga del Norte; Lianga at Bislig Bays, at Hinatuan sa Surigao del Sur.

Positibo rin sa red tide ang Irong-irong, Maqueda at San Pedro Bays sa Western Samar.

Ipinagbabawal ang pagkain ng shellfish lalo na ang alamang sa mga nabanggit na lugar.

Gayunman, maari namang kainin ang isda, pusit, hipon, at alimango basta’t siguraduhin lamang na tatanggalan ng hasang, huhugsan at lulutuing mabuti.

TAGS: BFAR, Inquirer News, Radyo Inquirer news, red tide, BFAR, Inquirer News, Radyo Inquirer news, red tide

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.