Bilang ng nabakunahan vs COVID-19 sa QC, lagpas 147,000 na
Lagpas 147,000 na ang bilang ng mga nabigyan ng bakuna laban sa COVID-19 sa Quezon City.
Sa huling datos hanggang May 11, nasa kabuuang 147,404 indibiduwal na ang naturukan ng COVID-19 vaccine sa nasabing lungsod.
Sa Level 1 hanggang 2 hospitals, nasa 17,257 ang naturukan ng first dose habang 2,856 ang nabigyan ng second dose.
Sa Level 3 hospitals naman, 26,233 katao ang mayroon nang first dose at 2,507 ang nabigyan ng second dose.
Nasa 103,914 naman ang naturukan ng first dose sa mga itinalagang vaccination site sa lungsod at 37,079 ang nabigyan ng second dose.
Kabilang sa mga naturukan ng bakuna ang mga frontliner, senior citizen, at indibidwal na may comorbidities.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.