Roque, Locsin nagkausap na ukol sa magkaibang pahayag sa usapin sa Julian Felipe Reef

By Chona Yu May 12, 2021 - 02:43 PM

FILE PHOTO

Nagkausap na sina Presidential Spokesman Harry Roque at Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. kaugnay sa magkaibang pahayag sa usapin sa teritoryo sa Julian Felipe Reef na nasa West Philippine Sea.

Ipinagtataka kasi ni Roque ang paulit-ulit na pag-kwestyun sa presensya ng Chinese vessels sa Julian Felipe Reef gayung kahit kailan ay hindi naman naging ‘in possession’ ng Pilipinas ang naturang lugar.

Dahil dito, nagalit si Locsin sa pahayag ni Roque at pinagsabihang huwag nang makisawsaw at hayaan na lamang siya na magsalita kaugnay sa isyu.

Pero ayon kay Roque, nagkausap na sila ni Locsin, Miyerkules ng umaga (May 12), at maayos naman ang kanilang relasyon na.

“We talked this morning and we are fine,” pahayag ni Roque.

Ang Julian Felipe Reef ay nasa 175 nautical miles west ng Bataraza, Palawan at classified bilang exclusive economic zone ng Pilipinas.

Matatandaang noong Marso lamang, 220 na Chinese vessels ang nakatambay at nangingisda sa Julian Felipe Reef dahilan para maghain ng diplomatic protest si Locsin laban sa China.

TAGS: Harry Roque, Inquirer News, Julian Felipe Reef, Radyo Inquirer news, teodoro locsin jr, WPS issue, Harry Roque, Inquirer News, Julian Felipe Reef, Radyo Inquirer news, teodoro locsin jr, WPS issue

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.