“No template” – OFF CAM ni Arlyn Dela Cruz-Bernal

By Arlyn Dela Cruz - Bernal May 12, 2021 - 02:22 PM

I was interviewed by Dean Edgar Geniza of Aura College for a local radio station in Olongapo City and the topic was about coping up with the pandemic.

Walang tama o maling sagot dito. Ang totoo, wala naman talagang nakapaghanda sa pandemyang ito.

Walang template kung baga.

Lahat tayo ay may kanya-kanyang paraan ng pagharap sa pandemya.

But there is one core reality that underscores everything–we are all in this together.

Tayo ay pinag-uugnay ng yugtong ito ng kasaysayan ng sangkatauhan. Hindi tayo makaaalpas dito na hindi nagmamalasakit sa isa’t isa.

Lampas isang taon na ang pandemya at ang katotohanang nandudumilat sa ating harapan ay malamang sa hindi ay magtatagal pa ito.

Sinabi ko sa panayam na kailangang alagaan din natin ang ating mga sarili. Bantayan at alalayan natin ang ating sarili sa panlulumo. Turuan at sanayin natin ang ating sarili para kumawala sa ganoong kalagayan.

Huwag nating pagdudahan na may taal tayong kakayanan na kaloob ng Maykapal para mapagtagumpayan ang anumang ating pinagdadaanan.

I am not trying to sound spiritual or religious here. Yung sa totoo lang sa ating kalagayan. We will overcome. Mahirap ang ating kinalalagyan ngayon ngunit malalampasan natin ito.

Ang tanging gugupo sa atin ay ang kawalan ng pag-asa. Huwag na huwag itong mawawala.

Sa aking propesyun bilang mamamahayag, manunulat at alagad ng pelikula, natanong din ako, paano magpatuloy?

Sige lang.

Maraming nagbago sa pamamaraan ng paghahatid ng balita, mga bagong inspirasyon sa pagsusulat, at mga bagong pintuan sa paglikha ng pelikula ngunit ang mga industriyang o mga sektor na ito ay nagpapatuloy at nakikibaka sa hamon ng pandemya.

Walang template, pero sige lang.

TAGS: Inquirer column, Radyo Inquirer column, Inquirer column, Radyo Inquirer column

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.