Yosi bawal sa polling places ayon sa Comelec

A man holds a cigarette as he smokes in his house in Manila on May 29, 2011. Authorities in the Philippine capital Manila have announced a drive to strictly enforce a smoking ban in public places across the sprawling metropolis. The Metropolitan Manila Development Authority said that from May 30, 2011 it would deploy policemen and specially trained enforcers across the city of 12 million people to round up violators. AFP PHOTO/NOEL CELIS
Inquirer file photo

Naglabas ng kautusan ang Commission on Elections (Comelec) kaugnay sa pagbabawal sa paninigarilyo sa lahat ng mga polling places sa bansa sa Mayo 9 araw ng eleksyon.

Sinabi ni Comelec Chairman Andres Bautista na pinagbigyan nila ang hiling ni Civil Service Commission (CSC) Chairman Alicia dela Rosa-Bala na nagpaalala sa komisyon na gawing 100-percent smoke-free ang mga lugar para sa botohan.

Nauna nang inilabas noong 2009 ng CSC ang memorandum circular no. 17 na nag-aatas sa Comelec na ipagbawal ang paninigarilyo sa mga polling places.

Layunin ng nasabing kautusan na ipatupad ang Tobacco Regulations Act of 2003 na nagbabawal sa paninigarilyo sa mga pampublikong lugar at sa mga tanggapan ng pamahalaan.

Ipatutupad ang nasabing kautusan sa halalan sa may 36,788 voting centers at 92,509 clustered precincts ayon sa Comelec.

Read more...