COVID-19 related deaths sa hanay ng PNP, umabot na sa 60

Nasa 95 ang bagong napaulat na pulis na tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas, ayon sa Philippine National Police (PNP).

Sa datos ng PNP Health Service hanggang sa araw ng Miyerkules (May 12), 21,416 na ang confirmed COVID-19 cases sa hanay ng pambansang pulisya.

Sa nasabing bilang, 1,436 ang aktibo pang kaso.

117 namang pulis ang gumaling sa nakakahawang sakit.

Dahil dito, 19,920 na ang total recoveries sa hanay ng PNP sa naturang sakit.

May isa namang napaulat na nasawi sa PNP dahil sa COVID-19.

Inanunsiyo ni PNP Chief General Guillermo Eleazar na pumanaw ang isang 48-anyos na non-uniformed personnel na nakatalaga sa Quezon Provincial Police Office.

Bunsod nito. 60 na ang COVID-19 related deaths sa pambansang pulisya.

Read more...