Kaso ng COVID-19 sa mundo, umabot na sa 160.33 milyon

By Angellic Jordan May 12, 2021 - 01:52 PM
Reuters photo

Pumalo na sa 160.33 milyon ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong mundo.

Batay sa huling tala, pumalo na sa kabuuang 160,339,530 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.

Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang kaso ng COVID-19 ang Estados Unidos na may 33,550,115 cases.

Sumunod na rito ang India na may 23,340,938 na nagpositibo sa pandemiya.

Nasa 15,285,048 naman ang kaso sa Brazil habang 5,800,170 ang napaulat na kaso sa France.

Narito naman ang naitalang COVID-19 cases sa iba pang bansa at teritoryo:
– Turkey – 5,059,433
– Russia – 4,896,842
– United Kingdom – 4,439,691
– Italy – 4,123,230
– Spain – 3,586,333
– Germany –  3,544,315
– Argentina – 3,191,097
– Colombia – 3,031,726
– Poland – 2,838,180
– Iran – 2,691,352
– Mexico – 2,368,393
– Ukraine – 2,129,073

Samantala, lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 3,331,763 ang bilang ng nasawi sa iba’t ibang bansa.

Nasa 139,095,577 naman ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.

TAGS: breaking news, COVID-19 Inquirer, COVID-19 pandemic, global COVID-19 cases, global COVID-19 deaths, global COVID-19 recoveries, Inquirer News, latest news on COVID-19, Radyo Inquirer news, breaking news, COVID-19 Inquirer, COVID-19 pandemic, global COVID-19 cases, global COVID-19 deaths, global COVID-19 recoveries, Inquirer News, latest news on COVID-19, Radyo Inquirer news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.