COVID-19 vaccine ng Pfizer sinimulan nang iturok sa Makati City

By Chona Yu May 12, 2021 - 12:54 PM

Sinimulan na ng lokal na pamahalaan ng Makati ang pagbabakuna kontra COVID-19 gamit ang Pfizer-BioNTech.

Dahil maselan ang bakunang Pfizer at kinakailangan ng -18 degrees Celsius na storage facility, ginawa ang pagbabakuna sa Makati Medical Center.

Ikinatuwa naman ng mga residente ng Makati na Pfizer na ang naiturok sa kanila.

Ayon kay Ruth Racela, line producer ng mga pelikulang Enteng Kabisote at My Bebe Love at isa sa mga nabakunahan ng Pfizer, nakaiiyak na sa wakas naturukan na siya ng bakuna.

Sabi Racela, hindi niya alam na Pfizer ang gagamitin na bakuna.

Nag fill up lang ng form si Racela at pumila na sa Makati Med.

Aabot sa 5,000 doses ng Pfizer ang ibinigay ng national government sa lokal na pamahalaan ng Makati.

TAGS: covid 19 vaccine, makati city, pfizer, covid 19 vaccine, makati city, pfizer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.