UPDATE: Magnitude 5.8 na lindol yumanig sa Occidental Mindoro

Niyanig ng magnitude 5.8 na lindol ang Abra de Ilog, Occidental Mindoro.

Ayon sa Phivolcs, 9:09 ng umaga maramdaman ang pagyanig.

Naitala ang episentro ng lindol  sa layong 11 kms Northeast ng bayan ng Abra de Ilog at may lalim na 110 kms.

Tectonic sinasabing  pinagmulan nito.

Wala pa namang napaulat na pinsala ang nasabing lindol.

Samantala, sa hiwalay na ulat ng Philvocs inilabas nito ang listahan ng mga lugar kung saan naramdaman ang pagyanig.

Narito ang mga lugar na nagkaroon ng Intensities:

Intensity V – Lubang Island, Occidental Mindoro; Calamba City, Laguna; Calaca, Batangas.

Intensity IV – Malvar at Lemery, Batangas; Calapan City, Oriental Mindoro; Mendez, Cavite; Limay, Bataan; Tagaytay City; Maynila

Intensity III – Agoncillo, Cuenca, Talisay, Lipa City, Batangas; General Trias, Dasmarinas, Cavite; Muntinlupa City; Makati City

Intensity II – Caloocan City; Marikina City; Olongapo City, Zambales; Cavite City; Sta. Cruz, Laguna; Taysan, Batangas; Batangas City; Lucena City, Dolores, Mulanay Quezon province; Binangonan, Rizal.

Intensity I – San Mateo, Rizal; San Francisco, Quezon

Read more...