Pagsasabatas ng Bayanihan 3 kailangan na ayon kay Speaker Velasco

By Erwin Aguilon May 12, 2021 - 12:12 PM

Iginiit ni House Speaker Lord Allan Velasco na mas kailangan ng maipasa ang panukalang Bayanihan 3.

Ito ay kasunod ng pagbagsak ng gross domestic product o GDP ng Pilipinas sa 4.2 % sa unang quarter ng taon.

Ayon kay Velasco, habang patuloy ang negatibong epekto ng COVID-19 pandemic sa ekonomiya ng bansa ay lalo nakukumbinsi ang maraming miyembro ng Kamara na ang “best tool” upang mapigilan ang mahabang economic downturn ay ang pagkakaron ng panibagong relief package.

Ang pagpasa anya sa Bayanihan 3  na aabot sa P405.6 billion ang kailangang pondo ay makakatulong upang palakasin pa ang pagbangon ng bansa mula sa krisis na dala ng pandemya.

Sinabi pa nito na kailangan ng gobyerno na maglaan ng malaking pondo upang maibigay ang mga pangangailangan ng mga Pilipino, negosyo at komunidad na matinding nasapol ng epekto ng COVID-19 pandemic.

Samantala, sinabi ni Velasco na may pangangailangan din na matugunan ang paghina ng construction industry na naitala sa negative 24.2% — na isang major contributor sa pagbagsak ng GDP.

Dahil aniya nahinto ang mga imprastraktura sa pribadong sektor, mainam kung sasaklolo na ang pamahalaan upang makaahon ang construction sector.

TAGS: Bayanihan 3, gdp, speaker velasco, Bayanihan 3, gdp, speaker velasco

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.