Mga Pinoy sa Japan ligtas sa magkasunod lindol ayon sa DFA

By Den Macaranas April 16, 2016 - 02:10 PM

Japan lindol1
Inquirer file photo

Sinabi ng Department of Foreign Affairs (DFA) na walang mga Pinoy na napaulat na namatay o nasugatan sa dalawang magkasunod na lindol na naramdaman sa Japan.

Sa kanyang pahayag na ipinadala sa mga miyembro ng media, sinabi ni DFA spokesman Usec. Charles Jose na tuloy tuloy ang pagtanggap nila ng impormasyon mula sa consular office na naka-base sa Osaka.

Sa kasalukuyan ay umaabot na sa 220,000 ang bilang ng mga Pinoy na nagta-trabaho at naninirahan sa buong Japan.

Noong Huwabes ay niyanig ng magnitude 6.2 na lindol ang Kumamoto prefecture na sinundan ng magnitude 7.0 kaninang madaling araw.

Sa ulat ng Japanese government, umakyat na sa 29 ang bilang ng mga patay sa dalawang magkasunod na lindol.

Ilang oras makaraan ang lindol kaninang umaga ay sumabog naman ang Mount Aso na siyang pinaka-malaking bulkan sa Japan.

TAGS: earthquake, Japan, mount aso, earthquake, Japan, mount aso

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.