Pamamahagi ng 2021 ECQ ayuda natapos na sa Maynila

By Chona Yu May 12, 2021 - 07:29 AM

PHOTO: Manila PIO

Naipamahagi na ng Pamahalaang Lungsod ng Maynila sa 380,820 na mga benepisyaryo nito ang tig-P4,000 na ECQ cash assistance mula sa national government.

Batay sa ulat ng Department of the Interior and Local Government, ang Lungsod ng Maynila ang kauna-unahang LGU na nakatapos ng distribusyon ng ayuda sa buong National Capital Region.

Ayon kay Manila City Mayor Isko Moreno, hangad ng lokal na pamahalaan na agad maibigay ang nasabing ayuda sa mga Manilenyo upang matugunan ang kanilang araw-araw na gastusin.

Kaugnay nito, tuloy-tuloy rin ang pamamahagi ng food boxes sa ilalim ng COVID-19 Food Security Program ng lungsod.

Umabot na sa 230,000 na pamilya ang nakatanggap ng food subsidy para sa ikaapat na buwan ng pag-arangkada ng programa.

TAGS: COVID-19, ECQ ayuda, Maynila, Mayor Isko Moreno, COVID-19, ECQ ayuda, Maynila, Mayor Isko Moreno

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.