Albularyo kinasuhan nang masunog ang puwet ng kanyang pasyente

By Den Macaranas April 16, 2016 - 01:23 PM

ilocos-norte-mapIpinagharap ng kasong serious physical injuries ang isang albularyo sa Laoag City sa Ilocos Norte makaraang masunog ang puwet ng kanyang ginamot na pasyente.

Sa kanilang inihaing reklamo, sinabi ni Kokoy Pascual na nagpunta sila sa bahay ng albularyong si Muling Molabe sa Brgy. Bencag sa Laoag City dahil namamanhid ang halos ay buong katawan ng kanyang Tatay na si Mang Rolando, 72-anyos.

Makaraan ang ilang minutong ritwal ay pina-upo ng albularyo si Mang Rolando sa isang upuan na may nagbabagang uling sa ilalim.

Ilang sandali pa ang lumipas ay napansin na lamang nila na halos magkasugat-sugat na at nagkapaltos ang likurang bahagi ng kanilang ama.

Tinanong daw nila ang albularyo kung bakit pina-upo sa may nagbabagang uling ang kanilang ama pero ang tanging isinagot nito ay kailangan daw ang “init” para mabuhay ang mga ugat ng pasyente.

Dito na nagpasya ang mag-anak ni Mang Rolando na isugod sa opistal ang ama pero bago sila nakalabas sa bahay ng albularyo ay siningil pa raw sila nito ng P3,400 para sa kanyang serbisyo.

Sa opistal ay sinabi ng mga duktor na nagtamo ng second-degree burn ang puwitan ni Mang Rolando dahil sa matagal na pagkaka-lantad sa nagbabagang uling.

Bagama’t nagsisisi, desidido ang mag-anak na Pascual na kasuhan ang naturang albularyo.

TAGS: albularyo, ilocos norte, laoag city, albularyo, ilocos norte, laoag city

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.