Low Pressure Area sa Silangan ng Mindanao binabantayan ng PAGASA
Isang Low Pressure Area (LPA) ang binabantayan ng PAGASA sa bahagi ng Mindanao.
Sa 5am weather update ng PAGASA, huli itong namataan sa layong 495 kms Silangan ng Davao City.
Inaasahang kikilos ito patungong Silangang Mindanao sa susunod na dalawang araw.
Gayunman, sabi ng weather bureau malayo ang tsansa na ito ay maging isang ganap na bagyo.
Malaki din ang posibilidad na malusaw ang nasabing sama ng panahon habang papalapit sa kalupaan.
Nakapaloob ang LPA sa Intertropical Convergence Zone (ITCZ).
Dahil dito, asahan na hanggang sa araw ng Biyernes ang pag-ulan sa Mindanao dulot ng LPA at ITCZ.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.