P4.48-M ng marijuana, nakuha sa Cebu City

PDEA RO7 photo

Nakuha ang 11,200 fully grown marijuana plants sa isang plantation site sa Cebu City, Lunes ng gabi.

Isinagawa ang marijuana eradication sa bahagi ng Sitio Sampinit, Barangay Tagba-o dakong 6:00 ng gabi.

Ang nakuhang marijuana plants ay nagkakahalaga ng P4,480,000.

Ngunit, nakatakas ang cultivator na nakilalang si Boy Ardimer matapos matunugan ang mga awtoridad.

Dinala ang samples sa PDEA 7 Laboratory para sa examination, habang ang iba ay sinira sa naturang site.

Magsasampa ng kasong paglabag sa Section 16, Article II ng Republic Act 9165 laban sa suspek.

Read more...