Barko na mula sa India bantay-sarado sa PCG; 12 Filipinong tripulante, positibo sa COVID-19

By Angellic Jordan May 11, 2021 - 06:27 PM

PCG photo

Hinigpitan pa ng Philippine Coast Guard (PCG) ang pagbabantay sa M/V Athens Bridge, ang cargo ship na nagmula sa India.

Nakaangkla ang barko may 10 kilometro ang layo mula sa Cavite.

Ipinagbabawal ng Coast Guard ang paglapit sa M/V Athens Bridge ng ibang barko bilang hakbang upang maiwasan ang pagkalat ng nakakamatay na sakit.

Nabatid na 12 sa 21 tripulanteng Filipino na sakay ng barko ang nagpositibo sa COVID-19 bagamat hindi pa lumalabas ang resulta kung taglay nila ang Indian variant ng virus.

Apat sa may sakit na tripulante ang dinala na sa ospital at ayon kay Capt. Jeffrey Solon, OIC ng Marina – Office of the Deputy Administrator for Planning, bumubuti na ang kalagayan ng mga ito.

Samantala, ang siyam pang may-sakit na tripulante ay naka-quarantine sa barko at maari nang bumaba sa darating na Biyernes at muling sasailalim sa hotel quarantine ng 10 araw.

TAGS: COVID-19, India variant, Inquirer News, PCG. Athens Bridge, Radyo Inquirer news, COVID-19, India variant, Inquirer News, PCG. Athens Bridge, Radyo Inquirer news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.