Information drive ng PCOO ukol sa COVID-19, dapat doblehin

By Erwin Aguilon May 11, 2021 - 05:23 PM

Kuha ni Richard Garcia

Ipinadodoble ni Ang Probinsyano Rep. Ronnie Ong sa Presidential Communications Operations Office o PCOO ang mga ginagawa nitong information campaign para sa COVID-19.

Pahayag ito ni Ong kasunod ng kumpirmasyon ng Department of Health o DOH na nakapasok na sa Pilipinas ang India variant ng COVID-19.

Ayon kay Ong, dapat na palakasin ng PCOO ang pagpapalaganap ng mga impormasyon ukol sa COVID-19 lalo’t ang virus ay nag-mutate na at sinasabing mas nakakahawa at mas nakamamatay.

Dapat ding aniyang i-maximize ng PCOO ang mga information dissemination asset nito gaya ng Philippine Information Agency, Philippine News Agency at Philippine Broadcasting Network, upang madagdagan ang kaalaman ng publiko sa masasamang epekto kapag binalewala ang virus.

Dagdag ng mambabatas, dapat ding itodo ang trabaho ng PCOO sa pamamagitan ng pagkakaroon ng information collaterals, boosted social media optics, TV and radio infomercials at iba pa, na hindi lamang magbibigay ng statistics kundi mayroon ding graphic warning na nagpapakita sa maaaring kaharapin ng isang tao dahil sa COVID-19.

Hindi naman naitago ni Ong ang pagkadismaya dahil hanggang ngayon ay may ilang mga tao na tila hindi pa rin naniniwala o siniseryoso ang pandemya, dahil hindi nila alam ang sakit o pakiramdam ng pasyenteng tinamaan ng COVID-19, at malaking gastos dito.

TAGS: 18th congress, Inquirer News, pcoo, Radyo Inquirer news, Rep. Ronnie Ong, 18th congress, Inquirer News, pcoo, Radyo Inquirer news, Rep. Ronnie Ong

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.