Mount Aso sa Japan sumabog makaraan ang malakas na lindol

By Den Macaranas April 16, 2016 - 10:48 AM

Japan-Volcano-1201
Inquirer file photo

Iniulat ni Japanese chief Cabinet Sec. Yoshihide Suga na nagkaroon ng eruption ang Mount Aso na isa sa pinaka-aktibong bulkan sa Japan ilang minuto makalipas ang magnitude 7.0 na lindol kaninang madaling-araw.

Sinabi ng opisyal na nagbuga ng abo na may taas na 100 meters ang bulkan na matatagpuan sa isla ng Kyushu na siyang sentro ng naganap na pagyanig.

Dahil sa naturang eruption ay itinaas na sa level 5 ang alert warning sa paligid ng Mount Aso.

Sa ulat naman ng pamahalaan ng Japan, umakyat na sa 29 ang bilang ng mga namatay sa lindo samantalang maraming iba pa ang sugatan.

Mahigit naman sa pitong libo katao ang nawalan ng mga tirahan base sa inisyal na report ng Japanese government kaugnay sa naganap na pagyanig.

TAGS: earthquake, Japan, mount aso, earthquake, Japan, mount aso

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.