Global death toll bunsod ng COVID-19, higit 3.31 milyon na

AFP photo

Lagpas 3.31 milyon na ang bilang ng mga nasawing COVID-19 patient sa buong mundo.

Batay sa huling tala, umakyat na sa kabuuang 3,317,738 ang nasawi sa iba’t ibang bansa bunsod ng nakakahawang sakit.

Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang nasawi dahil sa COVID-19 ang Estados Unidos na may 596,179.

Sumunod na rito ang Brazil na may 423,436 na pumanaw bunsod ng pandemiya.

Nasa 250,025 naman ang death toll sa India habang 219,089 ang napaulat na nasawi sa Mexico.

Narito naman ang naitalang COVID-19 death toll sa iba pang bansa at teritoryo:
– United Kingdom – 127,609
– Italy – 123,031
– Russia – 113,647
– France – 106,684
– Germany – 85,481
– Spain – 78,895
– Colombia – 78,342
– Iran – 75,261
– Poland – 70,034

Samantala, lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 159,606,992 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.

Nasa 138,253,420 naman ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.

Read more...