State of calamity sa buong bansa dahil sa African swine fever, idineklara ni Pangulong Duterte

By Chona Yu May 11, 2021 - 01:27 PM

Nagdeklara si Pangulong Rodrigo Duterte ng state of calamity sa buong bansa dahil sa African swine fever.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, tatagal ang state of calamity hanggang sa katapusan ng taong kasalukuyan.

Base sa Proclamation Number 1143, iiral ang state of calamity maliban na lamang kung babawiin na ni Pangulong Duterte.

“Ang Pilipinas ay nasa ilalim ng state of calamity dahil sa South African Swine Fever outbreak. Nilagdaan kahapon ang Proclamation No. 1143,” pahayag ni Roque.

Inaatasan ang lahat ng tanggapan ng pamahalaan pati na ang local government units na makipagtulungan para masigurong matutuldukan ang paglaganap ng ASF.

Pinatitiyak din ng Pangulo na maging sapat ang suplay ng karne sa mercado at maging stable ang presyo nito.

Kinakailangan din na ayudahan ang mga magba-baboy para makarekober sa ASF.

 

TAGS: African Swine Fever, baboy, State of Calamity, African Swine Fever, baboy, State of Calamity

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.