20 patay sa Israel air strikes sa Gaza

By Chona Yu May 11, 2021 - 09:13 AM

 

Patay ang 20 katao matapos maglunsad ng air strike ang Israel sa Gaza.

Bwelta ito ng Israel sa pinakawalng rockets ng Hamass at iba pang militanteng grupo sa Palistine.

Nagpapatuloy ang gulo sa pagitan ng dalawang bansa sa Al-Aqsa Mosque compound sa Jerusalem.

Nabatid na kabilang sa mga nasawi ang siyam na bata at isang senior commander ng Hamas.

Ayon sa awtoridad ng Gaza, sugatan ang 65 iba pa.

Nagbabala na rin si Israel I Prime Minister Benjamin Netanyahu na hindi nila kukunsintihin kung lalagpas sa red line ang mga kalaban.

Ayon kay Netanyahu, hindi nila papagayagan na atakihin ang kanilang teritoryo at tiyak na mananagot ang sino mang mananakop sa kanila.

 

TAGS: 20 patay, air strike, Gaza, israel, Palestine, 20 patay, air strike, Gaza, israel, Palestine

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.