Pagbabakuna sa Mababang Kapulungan ng Kongreso simula na ngayong araw

By Erwin Aguilon May 11, 2021 - 08:12 AM

Ngayong araw na mag-uumpisa ang pagpapabakuna sa mga kawani ng Mababang Kapulungan ng Kongreso.

Ayon kay House of Representative CongVax Head at Bataan Rep. Jose Enrique “Joet” Garcia III, unang makakatanggap ng bakuna ang mga empleyado na kabilang sa A2 category o senior citizen at persons with disabilities (PWDs) at A3 category o iyong mga may comorbidities.

Batay naman sa inilabas na memorandum ng Office of the Speaker, pinabibigyang prayoridad ang A1 hanggang sa A4 priority list na mabakunahan.

Sa inisyal na vaccine rollout ay makakatanggap ang mga empleyado ng CoronaVac ng Sinovac Biotech ng China na inilaan ng national government.

Ito ay bukod pa sa P50 million na biniling 60,000 doses ng Novavax na inaasahang darating naman sa Hunyo o Hulyo.

Hindi naman natukoy ni Garcia kung ilang dose ng bakuna ang naibigay ng pamahalaan sa Kamara ngunit umaasa ito na sasapat ito sa lahat ng A2 at A3 employees ng Mababang Kapulungan.

Bahagi ng vaccination program ng Kamara ang mga lahat ng House employees, permanent man o contractual, Congressional Staff, mga empleyado ng Commission on Audit (COA), Civil Service Commission (CSC), Department of Budget and Management (DBM), Presidential Legislative Liaison Office (PLLO), Landbank of the Philippines, Philippine National Police (PNP), Bureau of Fire Protection (BFP), HRep Cooperative, Mutual Aid Association (MAA) maging ang mga media na nakatalaga sa Kamara.

 

 

TAGS: China, CoronaVac, COVID-19, House of Representative CongVax Head at Bataan Rep. Jose Enrique “Joet” Garcia III, Sinovac, vaccine rollout, China, CoronaVac, COVID-19, House of Representative CongVax Head at Bataan Rep. Jose Enrique “Joet” Garcia III, Sinovac, vaccine rollout

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.