Mga nuclear power plants hindi apektado ng magnitude 7.0 na lindol sa Japan

By Den Macaranas April 16, 2016 - 09:00 AM

Japan lindol
BBC

Hanggang ngayon ay nakararamdam pa rin ng mga aftershocks ang malaking bahagi ng Southern Japan makaraan ang 7.0 magnitude na lindol kaninang madaling-araw.

Gayunman, sinabi ni Chief Cabinet Sec. Yoshihide Suga na base sa kanilang ginawang inspeksyon ay nanatiling ligtas ang mga malalaking nuclear power plants na kinabibilagan ng Sendai at Genkai na parehong matatagpuan sa lalawigan ng Kyushu.

Labis ding naapektuhan pati ang mga lumang gusali sa Kumamoto Prefecture.

Kaninang umaga ay inalis na rin ang tsunamin warning na itinaas makaraan ang malakas na lindol pasado ala-una ng madaling araw kanina oras sa Pilipinas.

Patuloy pa rin sa pangangalap ng mga impormasyon ang pamahalaan ng Japan kaugnay sa aktuwal na bilang ng mga casualties at sugatan sa naganap na pagyanig.

TAGS: earthquake, Japan, magnitude 7.0, earthquake, Japan, magnitude 7.0

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.