Hindi inaalis ng Palasyo ng Malakanyang ang posibilidad na maibaba sa General Community Quarantine (GCQ) ang Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal o ang tinatawag na ‘NCR plus’ matapos ang May 14.
Matatandaang pinalawig ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pag-iral ng MECQ sa NCR plus hanggang May 14, 2021.
Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, posible ito base sa ikinokonsidera nilang formula kung saan kabilang ang health care utilization rate, daily attack rate, at reproduction number.
Gayunman, nasa Inter-Agency Task Force on the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) pa rin aniya ang huling desisyon ukol sa magiging quarantine classification.
Ani Roque, iaanunsiyo ng Pangulo ang bagong quarantine classifications bago sumapit ang May 15, 2021.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.