Sa abiso ng Phivolcs bandang 7:00 ng gabi, sinabi ng ahensya na nadagdagan ang aktibidad sa nasabing bulkan.
Gayunman, nananatili pa rin sa Alert Level 0 o normal ang bulkan.
“Since hydrothermal processes are underway beneath the volcano, there are increased chances of steam-driven or phreatic eruptions from its active vents,” dagdag nito.
Pinaalalahanan naman ang lokal na pamahalaan at mga residente na ipinagbabawal ang pagpasok sa 4-kilometer radius ng Permanent Danger Zone.
Sinabi rin ng Phivolcs na dapat abisuhan ng civil aviation authorities ang mga piloto na iwasang lumipad malapit sa summit ng bulkan dahil sa phreatic eruption na maaaring magdulot ng panganib sa eroplano.
Tiniyak ng Phivolcs na mahigpit nilang tututukan ang aktibidad ng nasabing bulkan.