Pagbibigay ng mid-year bonus para sa mga taga-gobyerno, inihirit na agahan

By Erwin Aguilon May 10, 2021 - 04:24 PM

Hinimok ni Anakalusugan Rep. Mike Defensor ang mga ahensya ng gobyerno na ibigay na sa Biyernes, May 14 ang mid-year bonus ng kanilang mga empleyado.

Ayon kay Defensor, malaking tulong ang maagang release ng naturang incentive sa mahigit isang milyong kawani ng pamahalaan sa gitna ng pandemya, lalo na sa healthcare workers at iba pang frontliners.

Tinukoy ng kongresista na sa ilalim ng Republic Act No. 11466 na ipinasa ng Kongreso, ang mga taga-gobyerno mula sa Presidente hanggang sa janitor o clerk ay tatanggap ng mid-year bonus na katumbas ng isang buwang sahod.

Dapat itong maibigay ng hindi mas maaga sa May 15 kada taon.

Pero dahil nataong araw ng Sabado ang May 15, 2021, umapela si Defensor sa DBM na i-advance na ang release ng nito sa Biyernes.

Iginiit naman ng mambabatas na dapat sana’y mas malaking halaga ng incentive ang makukuha ng government nurses kung hindi lang sila dinemote ng DBM sa Budget Circular.

TAGS: 18th congress, DBM, Inquirer News, Mid-Year Bonus, Radyo Inquirer news, Rep. Mike Defensor, 18th congress, DBM, Inquirer News, Mid-Year Bonus, Radyo Inquirer news, Rep. Mike Defensor

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.