Mga produktong petrolyo, magkakaroon ng taas-presyo
Abiso sa mga motorista.
Magpapatupad ng dagdag sa presyo sa ilang produktong petrolyo.
Ito ay dahil sa paggalaw ng presyo sa international market.
Batay sa anunsiyo ng Cleanfuel, Petro Gazz, Seaoil at Shell, may dagdag na P0.75 sa kada litro ng gasolina habang P0.70 naman sa presyo ng diesel.
May patong namang P0.70 sa bawat lito ng kerosene ng Seaoil at Shell.
Magiging epektibo ang oil price adjustment ng Petro Gazz, Shell, at Seaoil bandang 6:00, Martes ng umaga (May 11).
Dakong 4:01, Martes ng hapon naman magsisimulang mabago ang presyo ng mga produktong petrolyo ng Cleanfuel.
Asahang mag-aanunsiyo na rin ang iba pang oil companies ng kanilang oil price adjustment.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.