Isa pang pulis, nasawi dahil sa COVID-19

Aabot sa 72 ang bagong napaulat na pulis na tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas, ayon sa Philippine National Police (PNP).

Sa datos ng PNP Health Service hanggang sa araw ng Lunes (May 10), 21,168 na ang confirmed COVID-19 cases sa hanay ng pambansang pulisya.

Sa nasabing bilang, 1,518 ang aktibo pang kaso.

48 namang pulis ang gumaling sa nakakahawang sakit.

Dahil dito, 19,661 na ang total recoveries sa hanay ng PNP sa naturang sakit.

May isang napaulat na nasawi sa PNP dahil sa COVID-19.

Bunsod nito. 59 na ang COVID-19 related deaths sa pambansang pulisya.

Read more...