Kaso ng COVID-19 sa mundo, umabot na sa 158.97 milyon
Pumalo na sa 158.97 milyon ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong mundo.
Batay sa huling tala, pumalo na sa kabuuang 158,970,290 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.
Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang kaso ng COVID-19 ang Estados Unidos na may 33,476,781 cases.
Sumunod na rito ang India na may 22,662,575 na nagpositibo sa pandemiya.
Nasa 15,184,790 naman ang kaso sa Brazil habang 5,777,087 ang napaulat na kaso sa France.
Narito naman ang naitalang COVID-19 cases sa iba pang bansa at teritoryo:
– Turkey – 5,031,332
– Russia – 4,880,262
– United Kingdom – 4,434,860
– Italy – 4,111,210
– Spain – 3,567,408
– Germany – 3,527,540
– Argentina – 3,147,740
– Colombia – 3,002,758
– Poland – 2,833,052
– Iran – 2,654,811
– Mexico – 2,365,792
– Ukraine – 2,119,510
Samantala, lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 3,306,746 ang bilang ng nasawi sa iba’t ibang bansa.
Nasa 137,416,607 naman ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.