Tugade sa LTFRB at operator: Tulungan ang mga konduktor

By Erwin Aguilon May 10, 2021 - 10:59 AM

DOTr photo

Muling ipinasisilip ni Department of Transportation Secretary Arthur Tugade sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB kung paano matutulungan ang mga konduktor ng pampublikong sasakyan na nawalan ng trabaho dahil sa pandemya.

Ayon kay Tugade, nakarating sa kanya ang mga ulat ng pagpapasaklo sa gobyerno ng mga konduktor.

“Nakarating sa akin ang ilang report at litrato kung saan ipinapakita ang ilang konduktor na nanghihingi ng trabaho at tulong sa pamahalaan,” saad ni Tugade.

Sinabi nito na nakikisimpatya siya sa mga kondutor at gagawan nila ito ng paraan.

Sabi ni Tugade, “Dahil dyan, mariin kong inuulit ang aking naging direktiba sa LTFRB na silipin kung paano matutulungan ang mga konduktor na naapektuhan ang kabuhayan dahil sa pandemya.”

Maari din ayon sa kalihim na makapasok ang mga ito sa Service Contracting ng ahensya.

Magkakaroon anya sila ng pulong Road Sector ng DOTr upang mabigyan ng solusyon ang problema.

Hiniling din nito ang tulong ng mga operator para matulungan ang mga konduktor.

 

TAGS: COVID-19, dotr, konduktor, pandemic, Sec. Arthur Tugade, COVID-19, dotr, konduktor, pandemic, Sec. Arthur Tugade

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.