Mga pambansang atleta ipinasasama sa A4 vaccine list

By Jan Escosio May 10, 2021 - 09:21 AM

PNP photo

Umapela si Senator Francis Tolentino sa Inter-Agency Task Force (IATF) para mapabilang ang mga pambansang atleta sa hanay ng mga itinuring na essential workers sa A4 priority list ng mga dapat mabakunahan.

Ginawa ni Tolentino ang apela dahil hindi pa rin napapabilag ang amateur at professional athletes sa vaccination rollout sa bansa gayung nalalapit na ang Tokyo Olympics, maging ang 2021 SEA Games sa Vietnam.

Sa kabuuan may 82 atletang Filipino sa 19 sports ang umaasang magiging kinatawan ng bansa sa Olympics sa Japan.

Makakabuti, ayon kay Tolentino, kung ang mga atleta ng bansa na sasabak sa palakasan sa Japan ay mabakunahan sa pinakamadaling panahon.

Samantala, sa 31st SEA Games sa Nobyembre 21 hanggang Disyembre 2, kabuuang 626 atleta ang ipapadala ng bansa.

Idinagdag pa ng senador na dapat maging ang mga professional players, kasama ang nasa Philippine Basketball Association, ay maisama din sa A4 Priority ng IATF.

TAGS: atleta, covid 19 vaccine, Francis Tolentino, atleta, covid 19 vaccine, Francis Tolentino

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.